6:00 a.m. Welcome to Sison, Pangasinan!
Bago matulog, BUSOG. Pagkagising, GUTOM!
Nag-stop over kami sa isang kaininan sa Sison, Pangasinan. Diretso sa banyo.
Pagkatapos, napagkasunduan naming bumili ng Arroz Caldo. Nakakapanghalina kasi
yung menu – parang fine dining:
- Plain Caldo -------- 35
- Egg Caldo ------- 40
- Chicken Caldo -------- 45
Sus! Pwede namang Plain Goto, Goto with Egg o kaya Goto with
Chicken. May pag caldo pang nalalaman. Kala tuloy naming kaalinsabay ng sosyal
nitong pangalan ang lasang taglay nito. Pero bigo kami. Umasa lang kami sa
wala. Nakapag-order na kami’t lahat lahat nang buksan ng nagtitinda yung
higanteng kaldero, buo-buo na yung kanin or lugaw or whatever. Di man lang
ininit. Wala na tuloy kaming nagawa kundi magbayad ng forty pesos kahit labag
sa aming loob. (Paalam, forty pesos! L )
Nakakuha kami ng lamesa malapit sa pwesto
nina Ma’am B, Sir Luis ♥ at Kuya JC.
Unang subo, parang baby food. Pangalawang
subo.. pangatlo.. pang-apat. GAAAH. Di na namin nilasahan. Naka-deactivate na
yung taste buds namin. Ilan sa mga motivator naming, “Panlaman tiyan din ‘to!”,
“Yung iba nga walang makain”, “Para sa hustisya ng forty pesos!”. At para tuloy-tuloy
na ang paglibang namin, inisip na lang naming na nasa Survivor kami at isa
itong immunity challenge. Sa huli, nanalo sina Vert at Jayvee. Di kinaya ng
sikmura namin ni Queency.
Pagkatapos ng Egg Caldo Challenge,
nagpatuloy kami sa paglalakbay. Medyo trapik. May inaayos kasing kalsada. Ang
lakas ng loob naming magbukas ng bintana. Pagkababa ng bintana, libreng face
powder ang naganap. Hehe. Biglang nagkaroon ng kapayapaan sa van, busog na kasi
ang lahat. Pagkatapos ng dalawang nakakabagot na oras, nasa Teacher’s Camp na
kami.
No comments:
Post a Comment